Sa unang pagkakataon sa Japan, iniulat na may mahigit 5,000 pasyente na may syphilis ngayon 2017

By area, ang Tokyo ang may pinaka-mataas na bilang, sumunod ang Osaka, Aichi at Kanagawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Iniulat ng Japan na ngayong 2017, may mahigit 5,000 syphilis patients sa unang pagkakataon ikumpara sa data noong pang 1999, at mas tumataas pa lalo na sa mga kababaihan na nasa kanilang 20s, ito ay batay sa data ng national research center na inilabas noong biyernes.

Ang Tokyo na umabot ang bilang sa 30 percent na mga naiulat na pasyente, ang metropolitan government ay handang magbigay ng mga libreng syphilis tests simula Abril upang maagapan ang paglala ng sakit na ito, na kung saan maaari itong magamot kapag ito ay nasa maaga pang stage habang magkakaroon naman ng malalang komplikasyon kapag napabayaan.

As of Dec. 17, 2017, ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng may syphilis sa Japan ay umabot na ng 5,534, mas tumaas keysa sa bilang noong 2016 na 4,518, ayon sa National Institute of Infectious Diseases ang dahilan sa pagtaas ng bilang ng tao na nahawaan ng sexually transmitted disease ay hindi pa din nalalaman.

By area, ang Tokyo na may pinaka-mataas na bilang ay may 1,705, sumunod ang Osaka Prefecture na may 788, Aichi Prefecture na may 325, at Kanagawa Prefecture na may 312.

Upang maiwasan ang pagkalat ang sakit na ito bago maganap ang Tokyo Olympic at Paralympic Games sa 2020, ang Tokyo Metropolitan Government ay naglikom ng pondo para sa kanilang fiscal 2018 budget upang makapagsagawa ng mas madami pang libre at  anonymous tests at makapagtrain ng mga doctors na may limitadong karanasan sa paggamot sa syphilis (梅毒 baidoku).

Ang Syphilis ay sanhi ng bacteria na tinatawag na treponema. Sa unang stage, ang sakit na ito ay nagbubuo ng maliliit na tumor sa mga apektadong lugar katulad ng genital area at bibig, ito ay magagamot sa pag-inom ng antibacterial drugs.

Subalit kapag ito ay hindi ginamot, ang impeksyon ay magiging sanhi ng inflammation sa buong katawan at gayon din ay magkakaroon ng komplikasyon sa utak at puso.

Ang mga nagdadalang-tao na nahawaan ng sakit na ito bago pa mabuntis ay maaaring maipasa ito sa kanilang sangol at ang congenital syphilis, ay maaaring maging dahilan ng stillbirth at mga sintomas sa mga sangol katulad ng meningitis at skin rashes.

Source: Mainichi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund