Ang Osaka Aquarium Kaiyukan (海 遊 館, Kaiyūkan) ay matatagpuan sa Tempozan Harbour Village ng Osaka, ang isa sa mga pinakamagagandang aquarium sa Japan.
Ipinakikilala nito ang iba’t ibang anyo ng lamang dagat na naninirahan sa Pacific Rim sa isang maayos at kahanga-hangang paraan.
Ang marine life ay ipinapakita sa 15 tangke, ang bawat isa ay kumakatawan sa isang partikular na rehiyon ng Pacific Rim. Ang sentro ng tangke, na kumakatawan sa Pacifc Ocean, ay siyam na metro ang lalim at tahanan ng isang whale shark, ang pangunahing pang akit ng aquarium.
Ang mga bisita ay nagsisimula ng kanilang tour sa aquarium sa ika-8 palapag at unti-unting bababa sa kada palapag ng paikot sa palibot ng central tank.
Ang ilan sa mga tangke ay umaabot sa ilang mga palapag, kaya’t nagiging posible na obserbahan ang mga hayop mula sa iba’t ibang kalaliman at pananaw.
Ang bagong exhibition space ay idinagdag sa aquarium noong Marso 2013.
Oras & Presyo
Horas
10am to 8pm (simula 9:30am sa Mayo, Oktubre at kalagitnaan ng Hulyo at Agosto); ang admission ay magtatapos, isang oras bago mag closing.
Sarado
May minsanang irregular closing days
Admission
2300 yen
Official website: Osaka Kaiyukan (in English)
Para sa direksyon ng Google Maps, tignan dito
Join the Conversation