Omoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Ang bagong paraan na ma-enjoy ang pagsusulat sa notes pads!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ganito ka mahal ng mga Japanese ang stationary kaya’t nakakaisip sila ng mga bagong paraan upang ma-enjoy ang pagsulat sa note pads.

Ang Omoshiro Block (na ang ibig sabihin ay ‘fun block’) ay gumagamit ng laser-cutting technology upang maukit ang isang bagay na sa una ay aakalain na isang normal na parisukat na block ng note pad.

&nbspOmoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Subalit habang ginagamit at pinupunit ang kada pahina ng note pad, isang bagay ang magsisimulang lumitaw.  At kailangang maubos muna ang buong note pad upang makita ang kabuuan ng naka-ukit na bagay.

Sa una, mukha itong normal lang na block ng memo pads:

&nbspOmoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Ngunit habang nagagamit at pinupunit ang pahina ng papel ay magsisimulang lumitaw ang nakaukit na bagay.

 

&nbspOmoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Sa bandan huli, makikita ang buong  landscape:

&nbspOmoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Kapag naubos ng mapunit ang note pads, ay may na hukay kayong isang detalyadong landscape  (sa kasong ito ay ang Kiyomizudera Temple sa Kyoto):

&nbspOmoshiroi Block: Isang memo pad na may nakaukit na isang bagay at lilitaw ito habang tinatanggal ang kada pahina

Ginawa ng Japanese Company na Triad, na ang pangunahing linya ng negosyo ay gumagawa ng mga modelo ng arkitektura, ang Omoshiro Blocks ay nagtatampok ng iba’t ibang mga pambihirang arkitektural na site sa Japan tulad ng Kiyomizudera Temple ng Kyoto, Asakusa Temple at Tokyo Tower ng Tokyo.

Ang mga block ay binubuo ng higit sa 100 na sheet ng papel at ang bawat sheet ay naiiba mula sa mga susunod na sheet hanggat makabuo ng isang disenyo.

Bagamat sa kabila ng pagbaba ng presyo sa teknolohiya ng laser cutting, ang Omoshiro Blocks ay medyo mahal at may range mula sa 4000 yen hanggang 10,000 yen, depende sa laki nito.

Mahihirapan din makabili nito sa kasalukuyan dahil ito ay available lamang sa Tokyu Hands sa Osaka. Subalit maaari ninyong masubaybayan para sa mga updates nito sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang Instagram.

Source: Spoon and Tamago
Images: Instagram/Triad
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund