Sinabi ng Thai police na inaresto nila ang isang 74-year-old na wanted Japanese gang member na nakilala nang maging viral ang larawan nito na kita ang tattoo sa buong katawan na kumalat sa internet.
Sa isang police statement, si Shigeharu Shirai ay inaresto sa north ng Bangkok na kung saan siya ay nagtatago ng mahigit 10 taon upang maiwasang mahuli dahil sa murder charges nito sa Japan na may kinalaman sa pagkamatay ng isang rival gang member.
Siya ay walang passport at visa at opisyal na inaresto dahil sa pagpasok sa Thailand ng ilegal at ma-extradite ito sa Japan.
Ang pag aresto nito ay dahil sa larawan niya na nakaupo sa checkers table na na-post sa Facebook noong August ng nakaraang taon ng isang Thai national dahil humanga ito sa tattoo ng lalaki. Ang post ay na share ng mahigit 10,000 na beses at ilan sa mga user ay nakilala ang dating gang member.
Sabi ni Police Gen Wirachai Songmetta, ang mga hapong associates ay bumibisita kay Shirai ng dalawa hanggang tatlong beses kada taon. Siya ay kasal sa isang Thai na babae at nagla-laylow ng mga nakaraang dekada, ayon sa police.
Si Shirai ay haharap sa illegal entry charges bago siya i-hand over sa mga autoridad na hapon, saad sa statement ng police.
“Ang suspect ay umamin na siya ay leader ng yakuza sub-gang Kodokai,” sabi ni Songmetta, ito ay isang affiliate ng pinaka-malaking yakuza gang sa Japan, ang Yamaguchi-gumi.
“Hindi naman inako ng suspect ang pagpatay ngunit inamin niya na dati siyang binu-bully ng biktima,” dagdag na sabi ng Thai police spokesman.
Si Shirai ay sangkot kasama na ang pito pang iba sa pagkamatay ni Kazuhiko Otobe. Ayon sa Kyodo News service, nakakuha na ng arrest warrant ang police sa Mie Prefecture sa 15-year-old na kaso.
Si Shirai at Otobe ay miyembro ng Kodokai.
Ang tattoo sa likod, itaas na bahagi ng braso, at isang nawawalang dulo ng daliri ay ang mga trademarks ng Japanese yakuza. Ang mga may tattoo ay kadalasang hindi pinapapasok sa mga public baths at swimming pools.
Ayon sa National Police Agency, ang 22 na mga organisasyon ay itinalaga bilang organized crime group noong 2017, na may higit na 20,000 miyembro. Halos three-quarters ng mga gangsters ay nabibilang sa Yamaguchi-gumi at dalawang iba pang mga grupo, ang Sumiyoshi-kai at Inagawa-kai, na sama-samang nangunguna sa underworld ng Japan.
Bukod pa sa pagbebenta ng ilegal na droga at sugal, na kung saan ito ay ang kanilang tradisyunal na pamamaraan para kumita, ang mga gangsters ay pumasok na din sa construction, finance at security businesses.
Source: Japan Today, AP Image: News24
Join the Conversation