Ang grupo na pinamamahalaan ni Professor Takakuni Douseki sa Ritsumeikan University ay naka imbento ng prototype dahil sa hiling ng isang major cosmetics company.
Kinabitan nila ng maliliit na LED at isang 3-centimeter na haba na antenna upang maging commercially available ang fake eyelashes.
Sa isang demonstration noong Huwebes, ang mga eyelashes na isinusuot ng isang mannequin ay nag blink ng berde matapos mabigyan ng wireless power ang produkto.
Sinabi ng mga mananaliksik na ang pilikmata ay lubos na stylish dahil iba ito keysa sa mga eyelashes na may nakakabit na wires.
Ayon kay Professor Douseki, ang grupo nila ay may planong magsagawa ng demonstration experiment sa mga human model para mapatunayan na ito ay ligtas at commercially viable.
Sinabi din ni Takeshi Nishihashi, isang estudyante na kasama sa paggawa, na ang lahat ng estudyante sa grupo ay puro lalaki at nagre-rely sila sa mga advice galing sa mga estudyanteng babae.
Dagdag pa niya na napakahirap ilagay ang maliit na antenna.
Source and image: NHK
Join the Conversation