Ang Rakuten ay isa sa pinaka-malaking online retail store sa Japan, ngayong taong 2018 nais ng nasabing kumpanya na mag-tayo ng sarili nilang mobile phone carrier.
Ayon sa chairman ng kumpanya, ang panibagong itatatag nilang kumpanya ay mag-aalok ng pinalawak na walang-bayad ng paraan ng pag-bayad na mag-reresulta ng isang matibay na pinag-kukuhanan ng kita.
Ayon rin sa Chairman at CEO ng Rakuten na si G. Hiroshi Mikitani, ” Maraming mapag-gagamitan ang mga produkto ng mga pinabagong teknolohiya at tele-komyunikasyon na sa ngayon na mura na ang halaga. At nakikita ko na marami kaming mapapa-kinabangan kahit na ang kumpanya namin ay huli na sa ganitong kalakaran.”
Ayon kay G. Mikitani, halos isa at kalahating milyong kostumer na ang gumagamit ng kanialng murang mobile phone services na ipinapatakbo ng NTT Docomo network.
Sinabi pa niya na kung ang Ministro ng Komyunikasyon ay mag-lalaan ng bahagi n wireless spectrum, ang bilang ng kostumer ay lalago pa ng mahigit 3 milyon.
Plano na ng kumpanyang Rakuten na mag- file ng aplikasyon sa Ministro ngayong buwan upang maging ika-4 na kumpanya na sumusunod sa malalaking kumpanya tulad ng Dokomo, KDDI at Softbank.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation