Bente dos na foreign trainees ang namatay sa work-related incidents sa loob ng tatlong taon simula noong 2014, ito ay ayon sa government data na ipinakita noong linggo, na nagsasaad na ang mga tao na pinapadala upang magtrabaho dito sa Japan ay maaaring maharap sa panganib o kundisyon na kung saan maari silang ma-exploit.
Bagamat halos lahat ng dahilan ng pagkamatay ay aksidente, isa dito ay nag resulta sa overwork, batay sa ipinakitang data ng Ministry of Health, Labor and Welfare.
Sa loob ng tatlong taon, may average na 475 kaso ng work-related accidents na involve ang mga foreign trainee na nakakuha ng compensation galing sa industrial accident insurance at kinailangan ng apat o higit pa na araw na leave, ayon sa data.
Ipinakilala ng Japan ang training program ng mga foreign workers noong 1993 na may malinaw na layunin na mailipat ang mga skills para sa mga developing countries.
Ngunit ang scheme na may kinalaman sa agriculture at manufacturing at iba pang mga sectors, ay naghakot ng kritisismo locally at sa abroad dahil sa pagbigay sa mga Japanese companies ng dahilan upang makakuha lang ng cheap labor.
Ang mga kaso ng ilegal na pagtrabaho ng mahabang oras, hindi pagbayad ng sweldo, karahasan at iba pang pagpapahirap ay ilan sa mga na-report.
Ayon sa Justice Ministry, ang mga bilang ng foreign trainees ay lalong tumataas na 167,641 na na-register noong taong 2014, 192,655 noong 2015 at 228,589 noong 2016. Na may 22 na nasawi sa loob ng tatlong taon. Ang ratio ng work-related deaths ay nasa 3.7 deaths sa kada 100,000 na trainees.
Samantala, sa buong bansa, ayon sa labor ministry data, ang work-related deaths sa buong industriya ay nasa 2,957 o 1.7 sa kada 100,000 na manggagawa.
Ang pagbabago ay ipinatupad dahil ang Japan ay naghahanap ng paraan upang malagpasan ang acute shortage ng mga caregiver workers sa isang industriya na nagiging mas importante dahil sa mabilis na pagtanda ng mga populasyon ng Japan.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation