Ang skyscraper ay may taas na 247 meters na nagbukas noong 2007, dumagdag sa dumadaming bilang ng skyscrapers sa bandang city center ng Nagoya.
Ang unang apat na palapag at ang basement ay may maraming shops, sosyal na boutiques, restaurants at cafes. Mayroon ding sinehan sa ika limang palapag.
Ang dinadayo ng mga turista ay ang Sky Promenade, na matatagpuan sa pinaka top three floors ng 46 na palapag na building. Ito ay open-air observation deck na may panoramic views ng Nagoya.
Ang pinaka-key landmarks na makikita sa Sky Promenade ay ang JR Central Towers, Nagoya Castle at Nagoya Port. Mayroong mga sosyal na restaurants na matatagpuan sa 41st at 42nd na palapag, na nagse-serve ng iba’t-ibang uri ng Japanese at international cuisine at nag-aalok ng mga table na may napakagandang view ng siyudad.
Horas & Bayad
Shops at Restaurants
Horas
Shops: 11am hanggang 8pm
Restaurants: 11am hanggang 11pm
Sarado tuwing ika-1 ng Enero
Sky Promenade
Horas
11am hanggang 10pm (Marso hanggang Hunyo at Oktubre hanggang Desyembre)
11am hanggang 11pm (Hulyo hanggang Setyembre)
1pm hanggang 9pm (Enero at Pebrero)
Espesyal na horas tuwing New Year
Titigil ang Admission 30 minutesbago mag closing.
Sarado: Walang saradong araw
Admission: 750 yen
Official website: Midland (Japanese and English)
Para sa direksyon ng Google Maps, tignan dito
Join the Conversation