Inaresto ng mga pulis sa Shizuoka nuong Lunes ang isang 34 anyos na lalaki na walang trabaho dahil sa suspetsang pag-patay sa kanyang 62 anyos na biyenang babae nuong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa ulat ng Fuji TV nuong Lunes, inaresto nuong ika-27 ng Nobyembre si Toyokazu Yamamoto dahil sa pag-iwan ng labi ni Kumiko Jin. Ang nabubulok ng labi ng biktima ay nakitang naka-balot ng kumot sa gubat sa Otani, Suruga Ward nuong ika-17 ng Oktubre. Sira-sira umano ang damit ng biktima at ito ay walang sapin sa paa. Walang naiwang gamit o pagka-kilanlan ang nasabing biktima.
Nag-file ng Missing Person report ang kaanak ng biktima simula pa nuong ika-11 ng Oktubre, agad namang sinimulang hanapin ng mga pulis at mga sniffing dogs ang biktima. Ayon sa lalaking nasa 60 anyos ang edad na roommate ng biktima, huli nya itong nakita nuong ika-5 ng Oktubre. Nasa 1.4 kms ang layo ng tahanan ng biktima sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang mga labi.
Inamin umano ni Yamamoto ang pag-tapon sa bangkay ng ginang (Jin) sa kagubatan nuong ika-6 ng Oktubre, ngunit sinabi umano ng suspect na ang biktima ay patay na nuong natagpuan niya ito.
Ang suspect ay inaresto matapos makita ang kanyang DNA sa ilang mga bagay na nakita sa lugar kung saan nangyari ang krimen at nakita rin sa isang surveillance camera ang sasakyan ng suspect.
Pinaghihinalaan rin ng mga pulis na ninakawan ni Yamamoto ng 3 milyong yen na cash ang biktima na si Jin, dahil lubog umano sa utang ang suspect. Mahigit 2 milyong yen naman ang nakitang nakatago sa balkonahe ng apartment ni Yamamoto.
Source: Japan Today Image: TBS News
Join the Conversation