Lalake arestado sa tangkang pagpatay ng kakilala sa paglagay ng Mercury sa tobacco

Hinala ng police na linagyan ng suspect gamit ang isang device upang ma inject ang mercury sa kada cartridge ng tobacco ng hindi nabubuksan ang pack.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng police ang isang 36-year-old na lalaki noong  Miyerkules sa suspetsang tangkang pagpatay sa kakilala nito sa pamamagitan ng paglagay ng mercury sa heat-not-burn tobacco.

Si Takashi Miyawaki ng Otsu, Shiga Prefecture, western Japan, ay nagbigay umano ng tobacco product na may mercury sa kakilalang niyang 37-year-old na lalaki noong June 3 ng nakaraang taon, ayon sa imbestigasyon, may alitan umano sa pera ang dalawa.

Ang lalaki ay nagamit ang 14 piraso sa 20 na cartridge sa pack, isinugod siya sa hospital ng sumunod na araw pagkatapos makaramdam ng pagsakit ng ulo, ubo at pagkabulol ng salita. Inireport niya sa police noong Junyo 5 at sinabi niya sa mga imbestigador na naramdaman niya ang sintomas pagkatapos niyang magamit ang mga tobacco.

Inamin naman ni Miyawaki ang akusasyong attempted murder, sinabi niya sa mga police na linagyan niya ng 0.3 hanggang 0.5 gram na mercury sa kada 20 na cartridges sa pack. Na-detect ng mga imbestigador ang mercury sa ihi at sa blood samples gayundin sa natirang mga cartridge, ayon sa police.

Hinala nila na si Miyawaki ay gumamit ng device para ma-inject ang mercury sa kada cartridges ng hindi nabubuksan ang pack.

Si Miyawaki at ang lalaki ay nagka-kilala dahil sa isang mutual acquaintance tatlong taon ng nakakaraan at ang lalaki ay nagta-trabaho dati sa isang mobile phone repair company na pagmamay-ari ng suspect. Kasalukuyan ng sarado ang kumpanya.

Source: Kyodo
Image:
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund