Ang mga major Japanese convenience store operators ay patuloy na nagbubukas ng mga bagong stores kahit na humaharap ito sa kahirapan ng pag-maintain ng 24-hour store operations dahil sa kakulangan o shortage ng manpower sa Japan.
Ang ibang mga convenience store operators naman ay nakakaraos sa kanilang kakulangan saff, kasama na ang part-time staff, sa pag-promote ng automation ng ilang mga store operations. Subalit isa sa mga operators ay nagsimulang magsara ng gabi tuwing mahina ang daloy ng customer.
Sa gitna ng mahigpit na kompetisyon, malalaman ang diperensya sa estilo ng pag manage depende kung paano nila i-handle ang labor shortage, ayon sa esperto.
Ang FamilyMart Co. ay nagsubok na magsara ng ilan sa kanilang domestic outlets tuwing gabi o nagpalit ng mga vending machine-based na operasyon.
Ayon kay FamilyMart President Sawada Takashi, ang 24-hour operation ay hindi kailangan sa ilang mga stores.
Source: Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation