Ang mga presyo ng mga pagkain at inumin sa Japan ay naka-talagang tumaas ngayong taon. Ang dahilan ng pag-taas ng presyo ay dahil sa pag-taas ng halaga ng mga sangkap/materyales at ang pag-didistribusyon nito, krisis at kakulangan sa manggagawa ng bansa.
3 sa mga pangunahing kompanya ng gilingan sa bansa ang nag-babadyang mag-taas ng mga 4 na porsyento sa presyo ng harina ng tinapay at mga pang-gawa ng matatamis, simula sa darating na huwebes.
Ang mga pre-cooked na kanin ay mag-tataas na rin ng presyo. Ang mga packaged food company tulad ng TableMark ay mag-tataas ng presyo na higit 17 porsyento sa darating na Pebrero.
Ang mga kumpanya ng mga beer tulad ng Asahi, Kirin, Suntory at Sapporo ay mag-tataas rin ng presyo sa mga bote ng beer at mga barrel nito sa darating na Tag-sibol.
Ang presyo ng mga wholesale na de-bote na beer ay inaasahang tumaas ng mahigit 10 porsyento.
Source and image: NHK
Join the Conversation