Japan: Olympic speed skater, natagpuang patay sa kanyang bahay

Natagpuang patay ang atleta sa kanyang bahay sa Nagano City noong katapusan ng linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang sponsor ng Olympic speed skater na si Miyako Sumiyoshi ay nagsiwalat  noong Martes na natagpuang patay ang atleta sa kanyang bahay sa Nagano City noong katapusan ng linggo na pinaniniwalaang ito ay nagpakamatay. Siya ay 30 taong gulang, ayon sa ulat ng NHK.

Sa kanilang inilabas na pahayag, hindi ibinunyag ng Lawson Inc. ang sanhi ng pagkamatay ni Sumiyoshi, na sumali sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia, at iba pang mga detalye. Gayunpaman, ang mga taong pamilyar sa kaso ay naniniwala na kinitil niya ang kanyang sariling buhay, ayon sa broadcaster.

&nbspJapan: Olympic speed skater, natagpuang patay sa kanyang bahay
Si Miyako Sumiyoshi ay natagpuang patay sa kanyang bahay sa Nagano City noong katapusan ng linggo(Nikkan Sports)

Si Sumiyoshi, na lumaki sa Kushiro City, Hokkaido Prefecture, ay pumasok sa Shinshu University kasabay ang star skater na si Nao Kodaira. Si Sumiyoshi ay umabot ng ika-14th place sa women’s 500 meters at ika-22nd sa women’s 1000 meters sa Winter Olympics apat taon ng nakalilipas.

Noong Disyembre, si Sumiyoshi ay hindi nakasali sa 2018 Winter Olympics na gaganapin sa susunod na buwan sa Pyeongchang, South Korea. Samantalang si Kodaira ay kasali sa event bilang representative ng Japan.

Source: Tokyo Reporter
Image: Nikkan sports
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund