Isang residente na hindi nagpa-kilala ang nag bigay ng donasyon na 2 bilyon na yen sa lungsod ng Aomori, ayon kay Mayor Akihiko Onodera sa isang press conference nuong Miyerkules.
Mula sa ulat ng Sankei Newspaper, ang donasyon ay ginawa gamit ang bank transfer nuong ika-28 ng Disyembre matapos makipag-kita ng alkalde sa nasabing residente. Hiniling ng residente na huwag na siyang pangalanan. Hiniling din ng nasabing residente na gamitin ang pera upang mapabuti at mapahaba pa ang mga buhay ng mga mamamayan sa nasabing lungsod.
Sinabi ng Alkalde na gagamitin ang pera upang magpa-tayo ng fully-equipped na mga sport facility at i-promote ang dietary educational courses sa mga nursery at paaralan ng mga bata.
Ayon sa national ranking average of life span, ang Prepektura ng Aomori ay patuloy na nananatili sa pinaka-mababang posisyon ng parehong babae at lalaki. Kung-kaya’t ang lungsod ng Aomori ay tinututukan kung paano mapa-bubuti ang kalusugan ng bawat residenteng naka-tira dito.
Fonte: Japan Today Image: Wikimedia Commons/ Image bank
Join the Conversation