Inihayag nuong Lunes ng Japanese discount retailer na Don Quijote Co. ang bagong renovate na Ferris Wheel na inaasahang maging isang bagong atraksyon sa papular na Dotombori shopping district sa Osaka na makaka-akit ng mga turista.
Ang nasabing Ferris Wheel ay itinigil sa pag-andar dahil sa teknikalidad 10 taon na ang nakakalipas. Ito ay ipinakita sa media bago pa simulan paandarin nuong Biyernes.
Ang iconic na Ferris Wheel ay nakatayo sa gusali ng Don Quijote sa Dotombori na may disenyong higanteng imahe ng Ebisu, ang diyos ng pag-unlad ng negosyo. Ito ay inaasahan na umakit ng mga bisita sa nasabing lugar na dinarayo ng iba’t-ibang dayuhan nuong mga nakalipas na taon.
Aabot ng mahigit na 15 minutos ang tagal ng pag ikot nang nasabing tsubibo na mayroong apatan na upuan.
Ang nasabing Ferris Wheel ay naka-harap sa ilog na tiyak magugustuhan ng mga turista, ito rin ay naghahatid ng magagandang tanawin tulad ng matataas na skyscrapper ng Japan at Abeno Harukas ng Osaka. Ang Ferri Wheel ay aabot ng mahigit na 77 metro ang taas mula sa lupa.
Inayos ng nasabing kumpanya ang mga riles, haligi at mga disensyo sa loob ng 32 na cabin. Ang pag-sakay sa Tsubibo ay nagkaka-halaga ng 600 yen (5.4 dolyares) ito ay bukas sa buong taon depende sa lagay ng panahon mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.
Ayon sa pahayag ng kumpanya nuong Miyerkules, mahigit 4 na libong tao ang nag-apply upang magkaroon ng tyansang mapasali sa 200 grupong mapipili upang i-test ang pag-andar ng Tsubibo.
Ayon sa pinuno ng sales promotion ng kumpanya sa western Japan na si Yasuyuki Sakamoto, “Umaasa kami na makaka-tulong at makaka-ambag ang aming kumpanya sa pag-buhay ng komyunidad sa pamamagitan ng pag-eestima sa parehong dayuhang turista at lokal na mamamayan.”
Don Quijote Dotonbori: see the location here
Source and image: Kyodo
Join the Conversation