Isang walang trabahong 44 anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis sa Numazu, Shizuoka Prefecture dahil sa hinalang pag-kidnap sa isang 16 anyos na highschool student na babae na nakatira sa Tochigi Prefecture.
Ayon sa panayam ng Sankei Newspaper sa mga pulis, nakilala ng suspect na si Koji Okohara ang babae sa isang members only na social networking site at inimbitahan nito ang huli na pumunta sa kanyang bahay sa kabila ng pagkaka-alam na ang babae ay isang menor de edad.
Ayon sa pulis, nag padala ng message si Okohara sa batang babae na hinihikayat na lumayas sa kanilang tirahan.
Base sa imbestigasyon ng pulis, nuong ika-20 ng Enero sinabi ng batang babae sa kanyang ina na siya ay “mag-aaral kasama ang mga kaibigan” matapos ihatid sa istasyon ng tren malapit sa kanilang tahanan. Matapos nuon, nakatanggap ng tawag ang ina mula sa anak na nag-sabi na basahin ang sulat na iniwan ng bata sa kanilang tahanan.
Matapos tawagan ang kanyang ina, ang batang babae ay nakipag-kita kay Okohara, siya ay dinala ng lalaki sa kanyang tahanan at nanatili rito hanggang sa sumunod na araw.
Binasa ng ina ng batang babae ang iniwang sulat, naka saad dito na kung gaano niya gustong lumayas dahil sa mga problema tungkol sa kanyang pag-aaral at mga kaibigan. Nuong gabi rin yun nag report ng missing person sa istasyon ng pulis ang ama ng batang babae. Agad naman inimbestgahan ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng batang babae.
Agad naman din nakilala at natukoy kinalalagyan ni Okohara ng mga pulis matapos makita na mayroong ipinadalang package ang batang babae na naka-address sa tirahan ng lalaki nuong umaga na siya ay umalis upang makipag-kita sa lalaki.
Nasa mabuting kalagayan naman ang bata nuong natagpuan ng mga pulis sa tahanan ni Okohara nuong ika-21 ng Enero.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation