Ipinakita ng Coca-Cola Japan ang bagong disenyo ng bote para sa 2018

Ang pag-release ng bagong limited-edition ay para sa mga darating na spring events sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong inanunsyo ng Coca-Cola na maglalabas ito ng isang limited-edition na sakura design sa bote noong nakaraang taon, ito ay naging isa sa mga sought-after na inumin ng season, naging mabenta ito sa mga stores sa buong bansa matapos na ito ay ma-release.

Buti nalang, inihayag ng soft drink giant na magkakaroon ulit ng pagkakataong magkaroon ng cherry blossom bottle sa taong ito, ang disenyo ay magbibigay pugay sa pale pink na bulaklak ng spring.

&nbspIpinakita ng Coca-Cola Japan ang bagong disenyo ng bote para sa 2018

Habang noong nakaraang taon na disenyo ay may featured na maliliit na blossoms na may all-white na base, sa taong ito ay may mas malalaking koleksyon ng cherry blossoms na may pale pink na backgroud.

Sa bagong disenyong ito, mas malaki ang mga sakura na makikita sa buong paligid ng bote kaya’t ito ay mas kaakit-akit na tignan kapag nakalagay ito sa mga tindahan. Ayon sa Coca-Cola, ang pag-release ng bagong limited-edition ay para sa mga darating na spring events tulad ng Doll’s Festival sa ika-3 ng Marso, graduation at school entrance ceremonies, at siyempre tuwing cherry-blossom viewing o hanami.

Ang slim na aluminum na bote ay nagdadagdag ng uniqueness sa “Japan Original” design, na kung saan ibebenta ito sa mga supermarkets, souvenir shops at convenience stores sa buong bansa simula sa ika-22 ng Enero na magsasabay din sa pag-release ng kanilang bagong peach-flavoured Coca-Cola. Ang kada 250-millilitre (8.5-ounce) na bote ay magkakahalaga ng 125 yen.

Source: Sora News
Images: Coca-Cola Japan
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund