Ang pag-buhos na makapal na niyebe sa Tokyo ay maaaring nag-dulot ng kaguluhan nuong January 22 ngunit ito ay kabaliktaran sa nangyari sa UNESCO Word Heritage Village sa Shirakawa, Gifu Pref. na ang pag-balot ng niyebe sa buong kapaligiran ay nag-hatid ng isang litrato ng isang magandang tanawin.
Kumukuti-kutitap ang mga kabigha-bighaning “gassho-zukuri” na matatarik na bubungan ng mga bahay nang mag-simula ang taunang illumination na nag-simula nuong January 21.
Marami ang mga turista nang mga turista ang bumibisita sa Distrito ng Shirakawa nuong mga nakaraang taon, ngunit nililimitahan lamang ng 900 katao kada araw ang maaaring maka-pasok sa Ogimachi Castle Observatory Deck na isa sa mga papular na tourist spot sa bansa .
Ang mga bisitang pansamantalang naka-stay sa mga traditional village ay isa sa mga prayoridad na maaaring maka-gamit ng observatory, sil rin ay binibigyan ng mga number ticket na nagkaka-halaga ng 500yen (4.50 dolyares) ang isa.
Ang nasabing illumination ay gagawin pa sa mga sumusunod na petsa: January 28, February 4, at February 12, simula ala-5:30 ng hapon hanggang ala-7:30 ng gabi.
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Light Up Asia ( English lamang)
Source: Asahi Image: Japan Guide
Join the Conversation