Halos 20 porsyento ng mga tawag sa police emergency number simula Enero hanggang Nobyembre ay hindi emergency at halos magkaparehong mga inquiries, ayon sa survey ng National Police Agency.
Sa loob ng 8,206,502 na tawag sa emergency number, kasama na ang mga prank at silent calls, 19.4 percent sa mga ito ay hindi kailangang rumisponde, sabi ng agency.
Sa mga tawag na ito, 765,960 ay hindi mga importanteng inquiries tungkol sa mga malapit na pasilidad tulad ng 24-hour gas stations, habang 682,896 ay mga request at reklamo tulad ng tungkol sa mga nangangaliwang asawa.
Ang bilang naman ng mga accidental calls, kasama ang mga wrong number dahil sa pagkakamaling pag dial ng company extension numbers, ay nasa 144,622.
Hiniling ng NPA official sa publiko na tumawag sa police emergency number — 110 — kapag emergency lamang, sabi nila, “kapag nagsabay ang tawag doon sa emergency, maaari silang mahuli sa pag responde sa mga tawag na talagang emergency.”
Sa kabuuang 72.6 percent — o nasa record na 5,958,662 na tawag, ay tawag galing sa mobile phones.
Ang Tokyo Metropolitan Police Department ay nakatanggap ng pinaka-mataas na bilang ng emergency calls ng 1,260,820, sinundan ng Osaka Prefectural Police (726,582) at ng Kanagawa Prefectural Police (653,939).
Source: Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation