Isang kimono rental company ang nag dulot ng gulo noong Lunes, daan-daang mga dalaga ang hindi nakapag-suot ng kimono sa kanilang coming-of-age ceremonies pagkatapos mawalan ng kontak sa mga shops ng kumpanya.
Ang Police ay nakatanggap ng reklamo galing sa mga tao sa isang kumpanya na dapat ay nakatakda silang mag rent ng kimono at tulong sa pagsuot nito subalit hindi na nila ito ma-kontak at walang mga tao ang shops.
Mahigit 300 babae ang nagkaroon ng ganitong problema dahil sa kumpanya na tinatawag na Harenohi, na binuksan noong Oktubre ng taon 2008. Ang mga babae sa Japan ay nagsusuot ng tradisyunal na “furisode” kimono sa kanilang once-in-a-lifetime ceremonies pag dating sa edad na 20-years old na ginaganap sa mga municipalities sa buong bansa tuwing araw ng Coming-of-Age Day, o kada ikalawang Lunes ng Enero.
Ayon sa website ng kumpanya, may apat sila na shops, tatlo sa Yokohama, Kanagawa Prefecture, at dalawa sa Hachioji, Tokyo, at Tsukuba, Ibaraki Prefecture ay sarado noong lunes.
Sa Yokohama, mahigit 200 na babae ang naghintay sa mga empleyado ng shop upang tulungan silang suotin ang kimono sa isang hotel. Subalit ang shop ay sarado simula pa noong linggo na pati ang mga empleyado nito ay hindi sumipot, ayon sa commercial complex na inuupahan ng shop ay hindi nila ma kontak ang mga staff ng shop.
Hindi din sumipot ang mga empleyado sa shop sa Hachioji noong lunes at bandang isang daang babae ang pumunta sa police at inireklamo ang sitwasyon, ayon sa police.
Ang Tsukuba shop ay hindi nagkaroon ng malaking problema dahil nagbukas ito hanggang linggo, ito ang araw na idiniwang ng local government sa ibaraki ang kanilang coming-of-age ceremonies.
Ang mga empleyado sa shop ng Fukuoka Prefecture ay sumipot noong Lunes at tinulungan na isuot ng kanilang customers ang kimono. Sinabi ng empleyado ng shop na hindi nila makontak ang presidente ng kumpanya simula pa noong magumpisa ang bagong taon subalit nag pasya ang manager ng shop na magbukas sila.
Source: Mainichi Image: TV Tokyo
Join the Conversation