Bilang ng pasyenteng may Influenza sa Japan, pinaka-mataas na na-record

Ang pinakahuling bilang ay halos doble mula sa nakaraang linggo

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang bilang ng mga pasyenteng may Influenza sa Japan ay umabot sa 51.93 sa bawat pasilidad na medikal sa loob ng isang linggo pakatapos ng Enero 21, isang mataas na talaan ito mula nang na-record ang data noong 1999, inihayag ng Ministry of Health, Labor and Welfare noong Enero 26.

Ang bilang ng mga pasyente ng trangkaso ay kinakalkula batay sa ilang 5,000 na fixed point ng mga institusyong medikal sa buong Japan.

Ang pinakahuling bilang ay halos doble mula sa nakaraang linggo, na nasa 26.44 bawat pasilidad, sapat upang magbigay ng babala sa buong bansa.

&nbspBilang ng pasyenteng may Influenza sa Japan, pinaka-mataas na na-record
Ang pinakahuling bilang ay halos doble mula sa nakaraang linggo

Sa prefecture, napag-alaman na sa Kagoshima ang pinakamataas na bilang na nasa 86.53 kada pasilidad na medikal, sinusundan ng Miyazaki Prefecture na may 84.97 at Fukuoka Prefecture na may 83.99.

Ang tinatayang bilang ng mga pasyente ng influenza na dumalaw sa hospital sa nakaraang linggo ay umabot ng halos 2.83 milyon sa buong bansa, at hindi bababa sa 1 milyon mula sa nakaraang linggo.

Ang pinakamalaking demographic sa edad ng mga pasyente ay mga batang may edad 5 hanggang 9, na nasa 590,000.

Source: Mainichi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund