Bilang ng dayuhang manggagawa sa Japan, nasa pinaka-mataas na na-rekord

By nationality, pumapangatlo ang mga Pilipino na nasa 146,000.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ipinakita ng pamahalaan ang mga numero ng bilang ng mga dayuhang manggagawa sa Japan na umabot sa rekord na mahigit sa 1.27 milyon noong nakaraang taon.

Sinabi ng labor minister noong Biyernes na 1,278,670 mga dayuhan ang nagtrabaho sa mga kumpanyang Hapon as of Oktubre 31. Iyan ay 194,000, o 18 porsiyento, mula sa nakaraang taon at pinakamataas na bilang nang unang kunan ng data noong 2008.

By nationality, ang mga manggagawang Chinese ang nangunguna sa listahan na may 372,000. Ang Vietnamese ay pangalawa na may 240,000, halos 40 porsiyento mula 2016. Ang mga Pilipino ay nasa ikatlo na may 146,000.

&nbspBilang ng dayuhang manggagawa sa Japan, nasa pinaka-mataas na na-rekord

Ang pinakamalaking grupo ng 385,000 dayuhan ay nagtrabaho sa sektor ng manufacturing.

Sinundan ito ng 189,000 manggagawa sa cleaning at iba pang sektor ng serbisyo at 166,000 sa mga negosyo sa wholesale at retail, kabilang ang mga convenience store at supermarket.

By residence status naman, 459,000 mga dayuhang manggagawa ay mula sa Japanese descendant o asawa ng Japanese. Mga estudyante na may 259,000, hanggang 24 porsiyento mula 2016. Ang mga teknikal na interns naman ay ikatlo na may 257,000.

Sinasabi ng labor minister na ang kakulangan ng mga manggagawa at sinamahan na din ng pang-ekonomiyang recovery ng Japan ang nagtulak sa mga negosyo na mag hire ng mga part-timer na mga estudyante at mga teknikal na intern.

Source: NHK
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund