Batang babae patay dahil sa pileup na dulot ng isang senior citizen na driver

Namatay ang 9-anyos na batang babae at apat na iba pang schoolchildren ang nasugatan noong Martes sa isang pileup o magkakasunod-sunod na banggaan na dulot ng 70-taong-gulang na driver.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Namatay ang 9-anyos na batang babae at apat na iba pang schoolchildren ang nasugatan noong Martes sa isang pileup o magkakasunod-sunod na banggaan na dulot ng 70-taong-gulang na driver sa kanluran ng Japan sa prefecture ng Okayama, ayon sa pulisya.

Sa pileup na kinasasangkutan ng limang sasakyan, ang isang light truck ay bumangga sa isang grupo ng mga school children matapos itong ma rear-end o binangga sa likuran ng isang kotse na minamaneho ni Tomoko Shigemori, na inaresto on the spot dahil sa hinalang sya ang sanhi ng aksidente.

&nbspBatang babae patay dahil sa pileup na dulot ng isang senior citizen na driver
Ang mga bata ay nasa 3rd hanggang 6th graders na naglalakad pauwi sa kanilang bahay (ANN/reproduction)

Ang batang babae na nakilala bilang si Yui Fujiwara ay dineklara ng patay at isa sa apat na bata – isang 10-taong-gulang na batang lalaki – ang nagtamo ng malubhang sugat mula sa aksidente na naganap sa paligid ng alas-4 ng hapon, sinabi ng pulisya at mga bumbero.

Ayon sa pulisya, ang sasakyan ng babae ay bumangga sa sasakyan na tumatakbo sa kabilang kalsada ng siyudad ng Akaiwa bago ito bumangga sa isang maliit na truck na nagdulot ng pagbaliktad nito at tumilapon sa gilid ng kalsada. Dalawa pang sasakyan ang nagkabanggaan.

Ang mga bata ay kabilang sa isang grupo ng mga 3rd hanggang 6th grader na pauwi sa kanilang bahay. Hindi sila sinamahan ng mga magulang o mga guro, sinabi ng paaralan.

Source: Japan Today
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund