Share
Ang bagong silang na sanggol na nakadikit pa ang umbilical cord ay namatay nang matagpuan itong lumulutang sa canal na dumadaloy sa masikip na daan ng Joso sa Ibaraki Prefecture.
Ayon sa mga police, ang nakahubad na sanggol ay natagpuan bandang ala-una ng hapon ng Sabado ng isang lalaki na mapatigil ng sasakyan upang maglakad lakad sa lugar, iniulat ng Fuji TV.
Ang sanggol, na hindi sinabi ng police ang kasarian, ay walang malay at itinakbo sa hospital ngunit inanusyo itong dead on arrival.
Sinabi ng police na ang sanggol ay may timbang na 390 grams at namatay sa pagkalunod sa canal na may lalim na 25 cm.
Source: Japan Today Image: NHK
Join the Conversation