Ayon sa mga researchers, mayroong bagong proyekto ang Japan na kumuha ng datos mula sa Japanese satellites upang mapa-buti ang pag-aanunsyo ng kalagayan ng panahon, ito ay tutulong sa mga opisyales na mag-issue ng mga life-saving warnings bago pa mangyari ang isang likas na kalamidad.
Ang proyekto ay unang pagka-kataon na ang ” Infrared Radiation Luminance Data” ay ginamit upang i-modelo ang mga pattern ng panahon sa mga lugar na nasa ilalim ng mabigat na pabalat ng ulap na kadalasang nakakapag-papareho ng nasabing modelo.
Ang tagumpay ay resulta ng pag-papares ng datos na nakolekta ng Himawari-8 Weather Satellite ng Japan na may programa na ipinapa-takbo ng isang supercomputer mula sa Riken Science Institute ng bansa.
Ayon sa team leader ng Riken na si Takemasa Miyoshi, ” ang mga malalaking datos na nakukuha at ipinapadala ng Himawari-8 ay hindi pa nagagamit nuon.”
” Sa kasalukuyan kami ay gumawa ng isang sistema na maaaring gamitin ang mga nasagap na datos upang maipabuti namin ang pag-uulat sa kalagayan ng panahon.”
Kapag mayroong pangyayari tulad ng malalakas na bagyo, ang mga ground-based at airborne monitors na palaging ginagamit ay maaaring masira at hindi makapag-bigay ng tamang datos.
Ngunit ang ginawang sistema ng mga researchers sa Riken ay maaaring magamit, dahil ito ay kumukuha ng datos mula sa outer space.
” Sa pag-bibigay ng maagang warning, maaaring mabigyan ng sapat na oras na maka-likas ang mga matatanda at mga taong mayroong kapansan, kapag nagkaroon ng isang kalamidad.”
Nagbigay naman ng babala ang Japan Weather Agency, saad nito na dapat pang subukan ng mas maigi ang nasabing sistema bago ito gamitin, upang malaman kung gaano ito katibay, gaano ka-tumpak ang mga nasasagap nitong datos at higit sa lahat upang malaman kung ano ang kahinaan ng nasabing sistema.
Font: Japan Times Image: Image Bank
Join the Conversation