Ang pinaka-unang naiulat sa Japan na namatay dahil sa impeksiyon na kumalat sa pagitan ng hayop at tao

Ang pagkamatay ng babae na nakatira sa Fukuoka Prefecture, ang pinaka-unang fatality na sanhi ng bacteria sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang babae na nasa kanyang 60s ang namatay noong spring ng taong 2016 pagkatapos makakuha ng sakit na Corynebacterium ulcerans, isang uri ng bacteria na napapasa galing sa hayop papunta sa mga tao, inanunsyo ng Ministry of Health, Labor and Welfare noong Enero 15.

Ang pagkamatay ng babae na nakatira sa Fukuoka Prefecture, ang pinaka-unang fatality na sanhi ng bacteria sa Japan.

Ang health ministry ay nag-issue ng alituntunin sa lahat ng mga prefectural governments at iba pang mga grupo upang makatawag ng pansin sa potensyal na panganib ng impeksiyon.

&nbspAng pinaka-unang naiulat sa Japan na namatay dahil sa impeksiyon na kumalat sa pagitan ng hayop at tao

Ayon sa health ministry, ang babae ay isinugod sa hospital noong May 2016 pagkatapos magreklamo ng hirap sa paghinga at namatay ito matapos ng tatlong araw. Nakita sa blood tests na may Corynebacterium ulcerans sa sitema ng babae.

Siya ang nagpakain ng tatlong pusang gala sa labas ng bahay bago niya naramdaman ang mga sintomas.

Ang sakit ay isang halimbawa ng zoonotic infectious diseases, na napag-alaman na sanhi ng impeksiyon na napapasa sa pagitan ng pusa, aso at tao.

Ang sintomas nito ay katulad ng diphtheria, katulad ng sore throat at ubo. Ang antimicrobial drugs ay epektibo umano sa paggamot sa bacteria.

Sinabi ng National Institute of Infectious Diseases na sa Japan, bente-sinko katao ang nahawa sa bacterial infection at nagpakita ng sintomas simula 2001, na halos lahat ng impeksiyon ay napasa mula sa alagang aso at pusa. Noong 2006, isang 50-something na babae sa Kanagawa Prefecture ang namatay matapos maka-develop ng sintomas, subalit hindi Corynebacterium ulcerans ang direktang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Payo ng isa sa opisyal ng health ministry na kailangang maghugas ng kamay pagkatapos humawak  ng mga hayop.

Source: Mainichi
Image: News 24
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund