Ang pagkakaroon ng mix-up sa nakakamatay na isdang fugu ay nagsanhi ng emergency warning

Isang supermarket sa Aichi Prefecture ang nakapagbenta ng limang package ng isdang fugu na hindi natatanggal ang atay, na kung saan ito ay maaaring may laman na nakamamatay na lason.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang siyudad ay nag activate ng isang mergency warning system upang maalerto ang mga residente na umiwas sa pagkain ng lokal na biniling blowfish, pagkatapos ng isang mix-up na nadiskubre na nakasama sa pagbenta ang  nakakalason na mga bahagi ng isda.

Isang supermarket sa Gamagori, Aichi Prefecture, ang nakapag benta ng limang packages ng fugu fish na hindi natatanggal ang atay, na kung saan ito ay maaaring nagkakalaman ng isang nakamamatay na lason.

Tatlo sa mga posibleng nakamamatay na isda ang natagpuan na, ngunit ang  dalawa pang package ay hindi pa din nakikita, Sinabi ng lokal na opisyal na si Koji Takayanagi sa AFP noong Martes.

&nbspAng pagkakaroon ng mix-up sa nakakamatay na isdang fugu ay nagsanhi ng emergency warning
A package containing a piece of pufferfish liver, top right, was sold at a supermarket in Gamagori, Aichi Prefecture. (Provided by Aichi Prefecture)

“Kami ay nananawagan sa mga residente na iwasan ang pagkain ng fugu, inanunsyo gamit ang speaker sa lungsod ng  Gamagori, “ang pag broadcast gamit ang loudspeaker ay upang matagpuan ang package sa paligid ng lungsod,  sinabi ng AFP.” Ang tatlong pakete ay nakuha ng araw na ito, ngunit hindi pa rin namin alam kung saan ang natitirang dalawang .”

Ang Fugu ay isa sa pinakamahal na delicacy tuwing taglamig sa Japan, at kadalasang ginagamit sa mga manipis na hiwa ng sashimi o hot pot.

Ngunit ang mga balat, bituka, ovaries at livers ng isda ay naglalaman ng lason na tinatawag na tetrodotoxin na maaaring nakamamatay.

Ang bahagi ng isda na naglalaman ng nakamamatay na lason ay naiiba sa kada isang fugu.

Ang mga Japanese chefs ay kailangang kumuha ng isang special permit upang maihanda ang isda, ngunit ilan sa mga hapon ang namamatay kada taon dahil sa maling paghanda ng fugu at iba may iba pang tao na naka develop ng non-fatal side effects, ayon sa health ministry.

“Ang pagkain ng atay ay nakaka-paralyse ng motor nerves, at sa mas malalang kaso ay maaaring makasanhi ng respiratory arrest na nakakamatay,” sinabi ng regional officials sa isang warning statement.

Source: Japan Today, AFP
Image: Asahi
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund