Ang Kyoto Aquarium ay moderno at may magandang disenyo, ngunit maliit ito kumpara sa mga pinaka-mahusay na aquarium ng Japan.
Ito ay binuksan noong Marso 2012 sa Umekoji Park, mga isang kilometro sa kanluran ng Kyoto Station.
Ang dalawang palapag na pasilidad ay nahahati sa siyam na zone na may iba’t ibang mga tema, na nagpapakita ng iba’t ibang mga hayop na nabubuhay sa tubig. May mga ilang bisita na namumurahan sa entrance fee na 2.050 yen.
Ang natatangi sa aquarium ay isang zone na nililikha ang aquatic environment ng mga ilog sa Kyoto at nagtatampok ng higanteng Japanese salamander.
Nagsisikap din ang aquarium na mapanatili ang maraming mga species ng bihirang mga lokal na nabubuhay sa dagat sa pamamagitan ng pag breed sa mga ito.
Sa ibang mga zone, makikita ng mga bisita ang mga lamang dagat mula sa buong mundo, kabilang na ang mga penguin at seal. Mayroon ding isang dolphin stadium na may maraming performances bawat araw.
Ang aquarium ay matatagpuan sa Umekoji Park, mga isang kilometro sa kanluran ng Kyoto Station.
Impormasyon:
Kyoto Aquarium (京都水族館 Kyoto Suizokukan)
Oras at Bayad
Oras
10am hanggang 6pm (huling pasok hanggang 5pm)
Sarado
May ilang mga araw na sarado dahil sa paglilinis ng lugar.
Admission
2,050 yen
Para sa lokasyon sa Google Maps, tignan dito
Source: Japan Guide Images: Wikimedia
Join the Conversation