Ang barkong Peace Boat ay umalis sa Yokohama para sa Asia at Oceania tour

Ang barko ay bibisita sa walong bansa hanggang Marso kasama na ang Pilipinas at Australia.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang barko na pagmamay-ari ng Japan-based Peace Boat, isang nongovernmental organization na nakikipagtulungan sa Nobel Peace Prize winner noong nakaraang taon na the International Campaign to Abolish Nuclear Weapons, ay umalis ng Yokohama Port noong Lunes upang i-promote ang nuclear disarment.

Ang barko ay bibisita sa walong bansa hanggang Marso kasama ang Philippines at Australia. Si Terumi Tanaka, co-chair ng Japan Confederation of A- and H-Bomb Sufferers Organizations, ay kasama sa biyahe.

Peace Boat (Wikimedia/Chiga Kenji)

“Ang Grassroots lobbying ay isang importanteng aktibidad. Hinahangad ko na makilala ang mga tao sa iba’t-ibang lungsod sa mga bansang bibisitahin,” sinabi ni Tanaka, na sumali sa Peace Boat tour sa unang pagkakataon.

Sa gilid ng barko ay may tatak na logo ng ICAN, isang coalition ng mga NGOs na kung saan ay may involve na 470 groups sa mahigit 100 na bansa. Si Akira Kawasaki, isang ICAN international steering committee member, ay nagpahayag sa isang press conference, “Kailangan natin na magtulungan patungo sa pagpapatupad ng layunin na maisagawa ang Treaty sa pagbabawal ng mga Nuclear Weapons.”

Ang treaty ay ipinasa ng 122 U.N. members noong July ng nakaraang taon subalit hindi ito na aksyunan. Wala sa mga estado na may nuclear weapon o bansa na umaasa sa nuclear deterrence, kasama ang Japan, ang sumuporta sa treaty.

Source: Kyodo
Image:
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund