Isang 84-taong-gulang na babae sa Tokyo ang na-swindle ng mahigit 70 million yen pagkatapos siyang sabihan na magpadala ng pera upang maiwasang magka-problema kaugnay sa isang unit sa nursing home, sinabi ng police noong Miyerkules.
Ayon sa police, isang lalaki na nagpanggap na trabahador ng isang real estate company ang tumawag sa babae noong nakaraang Hunyo, sinabi nya sa babae na nanalo siya ng unit sa isang nursing home at humingi siya ng pahintulot na kung maaaring pagamitin ito sa ibang tao.
- Pagkatapos niyang tanggapin at magbigay ng pahintulot, isang lalaki na nagpakilalang isang opisyal umano ng nursing home ang tumawag at sinabi niya na ang pagpapahintulot sa ibang tao na magamit ang unit ay labag sa batas at kailangan niyang magpadala ng pera dahil may posibilidad na maimbestigahan siya dahil sa hindi pagdisclose ng income. Sinabi niya na ang pera ay ibabalik din sa mga susunod na araw.
Gumamit ang natakot na babae ng isang delivery service upang makapagpadala ng halagang umaabot mula 300,000 yen hanggang 10 million yen sa 10 okasyon hanggang mag Desyembre ng taong 2017 sa address na tinuro ng lalaki na nagpanggap na nagta-trabaho sa nursing home, sabi ng police.
Font: JapanToday Image: Image Bank
Join the Conversation