Inaresto ng mga pulis ng Kurume City sa Fukuoka Prefecture ang 3 teenagers sa kasong pag-dulot ng pinsala sa isang 16 anyos na dalaga matapos nilang pilitin ang huli na tumalon sa isang tulay.
Base sa ulat ng Sankei Newspaper mula sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-2 ng madaling araw ng ika-5 ng Enero. Tinawagan ng isang 15 ayos at 2 pang teenager ang babae na makipag-kita sa kanila sa isang lugar na malapit sa East exit ng Kurume Station at pinilit na tumalon siya sa daanan mula sa isang pedestrian bridge.
Tinakot umano ng 3 ang dalaga na kung hindi siya tatalon ay may mangyayaring masama sa kanyang pamilya.
Dahil na rin sa takot, napilitang tumalon ng dalaga sa kalsada mula sa tulay na may 6 metro ang taas. Nag-tamo ng pinsala sa buto ng talampakan ang dalaga.
Ayon sa mga pulis, kakilala ng biktima ang kapatid ng 15 anyos na dalagita at nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan ang dalawa dahil sa pera. Tumawag ang 15 anyos na dalagita sa biktima para sa kanyang kapatid.
Isang witness ang nag-report sa pulis tungkol sa insidente na nag-resulta sa pagka-aresto ng 3 suspect.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation