Dalawang 19-taong-gulang na lalaki sa Mie Prefecture ang inaresto dahil sa pagiging dahilan ng pag-apaw ng isang onsen matapos itong buhusan ng shampoo at sabon sa natural hot spring noong Agosto. Ang mga suspect, na hindi pinangalanan dahil sila ay menor de edad ay sinampahan ng kasong forcible obstruction of business, ayon sa ulat ng Fuji TV noong Miyerkules.
Ayon sa pulisya, binisita ng dalawang lalaki ang pasilidad ng Kumanogawa Onsen Satsuki sa Shingu, Wakayama Prefecture. Binuhusan nila ang pang-lalaking paliguan ng onsen ng shampoo at sabon na bigay ng bathhouse, na nagdulot ng labis na pagdami ng mga bula at mapuno ang paliguan.
Noong oras ng insidente, may walong walang laman na shampoo at bote ng sabon ang nakita sa seksyon ng paliguan ng lalaki. Napilitang magsara ang bathhouse nung araw na iyon dahil sa pinsala na natamo.
Nakilala ng pulisya ang mga suspek matapos suriin ang footage ng video mula sa mga surveillance camera.
Sinabi ng mga lalaki sa pulisya na biro lamang o prank kaya nagawa nila ito.
Fonte: Japan Today Image: ANN News
Join the Conversation