2 babae ang natagpuang wala ng buhay sa magka-hiwalay na tirahan

2 babae patay mula sa hinihinalang murder-suicide

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang bangkay ng isang babae na nasa mahigit 80 ang edad at ang kanyang anak na babae nasa 47 anyos ay natagpuang patay sa magka-hiwalay na tirahan sa Tokyo, suspetsa ng mga pulis na ito ay isang kaso ng murder-suicide.

Ayon sa mga pulis, bandang alas 11:50 ng umaga ng bisitahin nila ang tirahan ni Yoko Uesugi, 47 anyos, isang klerikal na mang-gagawa sa Nakajuku, Itabashi Ward ng makita nila ito ay walang ng buhay na naka-higa sa kanyang kama, base sa balita ng Fuji TV.

Ang pag-tuklas ay nangyari matapos matagpuan ang wala ring buhay na katawan ng kanyang ina na natatantyang nasa 80 anyos ang edad. Ang matanda ay naninirahan ng may higit 300 metro ang layo mula sa tirahan ng kanyang anak. Napag-alaman na siya ay nag-bigti at mayroong sulat na iniwan na nag-sasaad na “Pinatay ko ang aking anak at ngayon ay kikitilin ko na rin ang sarili kong buhay”, ito ay base sa ulat ng mga pulis.

Ayon sa mga pulis, ang matandang babae ay namamahala ng isang Legal Office, at nuong Martes ay inutusan niya ang isang lalaking staff na pumunta sa kanyang tirahan kinabukasan ng umaga. Sinabi niya na ang susi ng bahay ay nasa loob ng mailbox. Dumating ang lalaki sa bahay ng matanda bandang alas 10:00 ng umaga ng Miyerkules at duon na niya nadiskubre ang katawang ng walang-buhay na matanda, agad siyang tumawag sa 110.

Agad na tinungo ng mga pulis ang tirahan ng anak ng matandang babae, ngunit wala pang inilalabas na balita kung ano ang ikinamatay ng nasabing babae.

Source: Japan Today
Image: News TBS
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund