Walang bantay na checkout counters, isasagawa na ng Lawson

Maka-bagong teknolohiya, gagamitin na sa mga convinience store.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Plano ng kumpanyang  Lawson na mag-lagay ng self-pay-counter sa gabi sa ilang sangay ng kanilang tindahan, ito ay isang hakbang upang malutas ang problema sa kakulangan ng mangagawa sa mga convenience store.

Inanunsyo ng Lawson nuong lunes na sisimulan ang pag subok sa self-pay-counter sa ilang sangay ng kanilang tindahan sa parte ng tokyo. Ang aktual na pag-papatupad ng nasabing serbisyo ay sisimulan ngayong darating na tag-sibol buwan ng pebrero taong 2019.

Ang nasabing serbisyo ay mag sisimula ng 12:00 ng hating gabi haggang 5:00 ng umaga, ang mga costumer  ay papasok at lalabas ng tindahan gamit ang isang aplikasyon sa kanilang smart phone para sa reader.

Gagamitin ng mga costumer ang kanilang smart phone upang mabasa ang barcode ng produkto ng nais nilang bilhin. Ang paraan ng pag-bayad ay sa pamamagitan ng isang payment app tulad ng Line Corp`s Line Pay.

Ayon sa Lawson, agad naman matutukoy ang mag-nanakaw sa pamamagitan ng isang itinakdang app.  Bilang karagdagan sila ay mag-lalagay ng security camera sa nasabing establisyamento.

May isang empleyadong itatalaga  sa oras na  ipatupad ang nasabing sistema upang mag matyag at mag sagawa ng inventory.

Ang nasabing kompanya ay mag-sasagawa rin ng test para sa mga robot na maaari na ring tumanggap ng bayad at mag lagay sa supot ng mga pinamili ng customer.

Ayon sa pahayag na ginawa ni G. Sadanobu Takemasu, President and Chief ng Lawson, ” palalaguin natin ang ating negosyo sa pamamagitan ng pag-gamit ng bawat teknolohiya, upang maipag-patuloy ang 24 oras na operasyon bilang bahagi ng panlipunang imprastraktura.”

Panuorin ang balita mula sa  ANN News:

Source: Jiji Press
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund