Katulad lamang sa karamihan ng mga bansa, ang bansang Japan ay mayroong din patakaran ukol sa tamang pag-gamit ng escalator. Maaring gamitin ang isang panig nito para sa mga taong nais lamang tumayo hanggang sa makarating sa itaas/pababa at maaari namang gamitin ang kabilang panig ng mga pasaherong nag-mamadali at nais ng lumakad paakyat /pababa.
Habang ang ipinapakitang mensahe sa mga posters ay ang posibilidad ng pag-kakaroon ng disgrasya o maka-abala dahil sa pagkaka-banggaan ng mga tao, umaasa ang grupong ito na maintindihan ng lahat kung gaano kahalaga at kaepektibo ang kasalukuyang pamamaraan sa pamamagitan ng pag-tayo sa isang panig ng escalator upang makapag-bigay daan sa mga taong nag-mamadali.
Binanggit nila ang isang eksperimentong isinagawa sa istasyon sa London kung saan isinagawa na nakatayo lamang sa magkabilang panig ng escalator ang mga tao upang mapag-aralan ang daloy ng pasahero. Bilang isang resulta, nalaman nila na higit 30 porsiyento ang mas maraming tao ang makadaan kapag ang mga tao ay nakatayo sa magkabilang panig kumpara sa pagkakaroon lamang ng mga taong nakatayo sa isang panig.
Kung iisipin, maraming espasyo ang nasasayang kung tatayo lamang sa isang panig ng escalator ang mga pasahero.
ngunit ito ay nag dedepende o nag iiba ng resulta base sa laki ng escalator at dami ng pasahero.
Kapag ang escalator ay maikli lamang, ang pag tayo sa mag kabilang panig ay hindi makaka tulong o makaka lutas ng nasabing problema.
Kahit na sabihing mabilis na nakakarating sa itaas/ibaba ang mga pasahero sa pamamagitan ng pag tayo sa mag kabilang panig ng escalator, napapabagal naman ang mga pasaherong nais na makarating ng mas mabilis sa itaas/ibaba sa kadahilanang may hinahabol na tren, nais pang gumamit ng palikuran o sa iba pang kadahilanan. nangangahulugan lamang na hindi lahat ng mga pasahero ay nakikinabang sa nasabing patakaran.
Source and Image: Newsonjapan/ rocketnews24
Join the Conversation