Isang rebulto na sumasagisag sa mga tinutukoy na mga “comfort women” ay itinayo sa Maynila, ito ay ang pinaka-unang rebulto sa Pilipinas na sumasagisag sa mga binasagang mga kababaihan.
Ang Komisyon ng Pambansang Kasaysayan, isang ahensya sa pamahalaan ng Pilipinas ay itinayo ang 3 metro kataas na rebulto sa isang pasyalan sa tabi ng Manila Bay nuong Biyernes.
Ang tansong rebulto ay naglalarawan sa isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na pananamit at mayroong piring sa mata.
” Ang monumentong ito ay nagsisilbing paalala para sa mga kababaihang pilipino na naging biktima ng pag-aabuso nuong panahon ng pag-sakop ng mga hapon mula taong 1942 hanggang taong 1945″, ito ang naka lagay sa inskripsyon ng nasabing rebulto.
Ayon sa komisyon, isang sibil na organisasyon sa bansa ang nag-mungkahi at nag bigay ng donasyon upang maisagawa ang nasabing rebulto.
Ipinahayag ng embahada ng Japan sa Maynila ang kanilang pag-aalala na maaaring mag-hatid ng mga negatibong epekto ang nasabing pag-tatayo ng rebulto sa ugnayan ng 2 bansa.
Ang mga tao sa bansang Timog-Silangang Asya na nag-sasabi na sila ay naging mga “Comfort Women” nuong World War II ay nagsimulang lumabas nuong taong 1990.
Ang Pamahalaan ng Japan ay gumawa ng Asian Women Funds nuong taong 1995 upang mag-sagawa ng mga proyekto at kasama rito ang pag-babayad para sa mga pinsalang natamo ng mga nasabing kababaihan.
Maraming mga kababaihan ang hindi pumayag at tumanggap ng nasabing kabayaran, ang kanilang hiling ay ang opisyal na pag-hingi ng tawad at kabayaran na sapat mula sa Pamahalaan ng Japan.
Source and image: NHK
Join the Conversation