Pila sa isa sa terminal sa Narita Airport, bibigyan na ng solusyon

Ang Narita International Airport sa Tokyo ay planong paginghawain ang daloy ng pila sa isa sa kanilang mga terminal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nuong taong 2015, ang airport corporation ay nag-bukas ng isang terminal na low-budget carrier, sa unang kalahating taon nito ay halos mahigit 4 na million na tao ang gumamit ng nasabing terminal at mahigit 17 porsyento dinagdag ng parehong panahon nuong nakaraang taon.

Maraming nakakarating na reklamo mula sa mga pasahero tungkol sa sobrang haba ng pila sa mga security checks nito.

Nag-paplano ang nasabing korporasyon na mag-kabit ng maka-bagong sistema ng pag-iinspeksyon sa darating na taon ng 2019.

Ang nasabing sistema ay pipiliin at iinspeksyonin ang ikinukunsiderang kahina-hinalang bagahe at hahayaang maka-daloy ng maayos ang iba pang mga bagahe, ayon sa opisyal na pahayag ng nasabing korporasyon ito ay makaka-tulong sa pag-bilis ng daloy ng pila ng 20 porsyento kada oras.

Pina-plano rin ng nasabing kompanya na idaan sa x-ray ang mga bagahe habang ito ay idinadala sa eroplano upang mabawasan ang oras ng pag-karga ng mga bagahe.

Ayon kay Mr. Tomoyuki Ogawa, isang opisyal sa Narita International Airport ” ang mga pasaherong sasakay sa low-cost carrier at dapat na maging komportable at makaranas ng ginhawa.” Inaasahan niya na maka-hikayat ng mas maraming pasahero ang kanilang gagawing mga pag-babago.

https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/news/20171206_22/

Source and image: NHK
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund