Ang mga convinience stores sa Japan ay pinapalawak ang kani-kanilang mga serbisyo upang makapang-akit ng mas maraming pang-mamimili.
Ang convinience store na Seven Eleven ay nag lagay na ng mga bisikletang maaaring arkilahin sa kani-kanilang mga tindahan. Maaaring makapagpa-reserve ng mga bisikleta online at ibalik ang mga hiniram na bisekleta sa kahit saang sangay ng Seven Eleven.
Bago sumapit ang katapusan ng Marso taong 2019, ang nasabing proyekto ay mag-tatalaga ng mga bisikleta sa 1,000 sangay ng Seven Eleven sa buong bansa.
Samantalang ang Family Mart sa Tokyo ay nag-paplano na mag lagay ng 24 oras na Gym sa taas ng kanilang tindahan. Inaasahan ng administrasyon ng nasabing tindahan na lalago ang benta nila sa tuwalya at mga pagkain.
Sa susunod na 5 taon, inaasang lumago at mapalawak ang nasabing serbisyo sa mahigit 300 sangay ng nasabing kompanya.
Nagpa-plano rin ang Family Mart na mag-lagay ng coin laudry sa susunod na taon. At hinahangad na mapalawak ang serbisyong ito sa 500 sangay ng kanilang kompanya sa loob ng 2 taon.
Ang Lawson naman ay nagpa-plano na mag-bukas ng sangay na mag-bibigay ng serbiyong konsultasyon para sa Nursing Care. Mayroong naka talagang rehistradong nurse upang masagot ang mga katanungan ukol sa nasabing serbiyo ng walang bayad. Ang nasabing tindahan ay nag bibenta ng mga pagkain at iba pang produkto para sa mga Senior Citizen.
Source and image: NHK
Join the Conversation