Pag-bitay sa 2 preso sa Japan, kauna-unahan mula pa nuong Hulyo

2 hapon na bilanggo binitay!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Binitay nuong Martes ng umaga ang 2 bilanggo na kabilang sa death-row. Sumasa-total na 21 ang bilang ng mga nabitay kasama sila Teruhito Seki at Kiyoshi Matsui mula sa pamamahala ni Prime Minister Shinzo Abe simula pa nuong taong 2012.

Ayon sa Ministro, 19 anyos si Teruhito Seki nang mapatunayang may sala dahil sa pag-patay sa 4 na katao sa Chiba, nuong taong 1992. Ayon sa lokal na mang-babalita, ito ay kauna-unahang pag-pataw ng sintensya sa isang bilanggo na kabilang sa death-row para sa mga nagawang krimen nuong siya ay menor de edad pa lamang.

Sa bansang Japan, ang edad na kinukunsiderang  sapat na gulang ng isang tao ay 20 anyos.

Samantalang si Kiyoshi Matsui, 69 anyos ay hinatulan ng bitay dahil sa pag-patay sa kanyang nobya at mga magulang nito nuong taong 1994.

Ayon sa lokal na mang-babalita, ang 2 bilanggo ay humihingi ng ikalawang pag-lilitis. Bagama`t hindi pa nangyayari, napaka-bihira sa bansang Japan na hatulan ng bitay ang mga bilanggo na humihingi ng panibagong pag-lilitis.

Sinabi ni Justice Minister Yoko Kamikawa sa mga mamamahayag na “Karumal-dumal ang mga kaso ng mga nabanggit na bilango”. “Ini-utos ko ang pag-bitay sa bilanggo matapos ang masinsinang pag-aaral sa naturang kaso at ilang mga kunsiderasyon.”

Ang patakaran sa parusang kamatayan sa Japan ay humango ng internasyonal na kritisismo, samantalang ipinag-uutos ng Japan Federation of Bar Association na maalis ito sa taong 2020, sa halip na parusang kamatayan ito ay papalitan na lamang ng habang buhay na pagka-bilanggo.

“Nais ko na harapin ng mabuti at masinsinan ang mga kaso na maaaring mauwi sa pag-hahatol sa kamatayan na isinasa-isip ang batas at pag-galang sa hatol ng korte” pahayag ni Yoko Kamikawa nuong Agosto nang siya ay maatasan na maging Justice Minister.

Siya ang nag-utos sa pag-bitay sa isang bilanggo nuong Oktobre taong 2014, isang taon matapos na siya ay naging Justice Minister.

Sa darating na buwan ng Hulyo, nag-utos din nang pag-bitay sa 2 pang lalaking bilango ang kapalit ni Kamikawa na si Katsutoshi Kaneda.

Source: Japan Today, Kyodo
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund