Northern Japan nahaharap sa panganib “mula sa isang malakas na lindol”

Malakas na lindol maaaring maranasan muli sa bansang Japan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa isang panel ng gobyerno ng Japan, maaring makaranas ng isang napakalakas na lindol na may magnitude na 8.8 o higit pa sa hilagang bahagi ng isla ng Hokkaido, Japan.

Ang nasabing lindol ay naganap sa nasabing lugar ng humigit-kumulang na 350 taon ang agwat. Huling beses nangyari ang nasabing lindol 400 na taon ang nakalipas, at posible na malapit ng mangyari ulit ito .

Base sa pinaka-bagong resulta sa kanilang pag-aaral, inilabas na ng panel nuong Martes ang tinantyang sukat at posibilidad na lindol na maaaring maganap sa kahabaan ng Chishima Trench. Ang nasabing trench ay nasa bandang silangan at hilaga ng Hokkaido.

Ayon sa panel, nasa 7 hanggang 40 porsyento ang posibilidad na mangyari ang nasabing lindol sa susunod na 30 taon.

Binalaan ni Naoshi Hirata, panel chair at propesor sa Unibersidad ng Tokyo Earthquake Research Institute na ang lindol na nangyari nuong Marso taong 2011 sa Hilagang bahagi ng bansang Japan ay hindi nagkakalayo sa nasabing paparating na lindol. Dapat maging handa ang mga mamamayan na naninirahan sa silangang bahagi ng Hokkaido sa isang napaka-laking Tsunami.

Source and image: NHK
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund