Nakikita ng Japan ang 26 milyong dayuhang bisita mula Enero hanggang Nobyembre

Tumataas ang bilang ng mga turista na nag-pupunta sa bansang Japan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng Japan National Tourism Ornization nuong Miyerkules, na ang bilang ng mga dayuhang bumibisita sa bansang Japan mula Enero hanggang Nobyembre ay tinatantyang 26,169,400 mahigit, 19.0 porsyento ang itinaas kumpara nuong nakaraan na taon.

Ang taunang kabuuan ng bilang ay magiging mataas na tala sa 5 magkakasunod na taon, dagdag rito ay ang pag-dami flights ng mga bisita tuwing Tag-sibol at Tag-lagas dahil sa mga low-cost carriers na nag-bibigay ng murang pamasahe. Umabot ng mahigit 24,039,700 ang sumatotal na bilang ng mga dayuhang bisita nuong taong 2016.

Sinabi ni Japan Tourism Commisioner na si Akihiko Tamura sa isang press conference na, “maaaring umabot ng 28.5 milyon ang bilang ng mga turista sa taong ito.”

“Mula ngayon, mahalaga na gumawa ng pag-sisikap upang madagdagan ang pag-konsumo ng mga nasabing turista.”

Kabilang sa kabuuang 11 buwan, ang mga turista mula mainland China ay nag-tatala ng 6,791,500 (14%) at turistang mga taga-South Korea ay nag-tatala ng 6,461,200 (40.6%). Marami sa mga turista mula sa South Korea ang nag-palit ng destinasyon ng kanilang bakasyon mula China ay naging Japan, simula nang nagka-roon ng hidwaan ang mga bansang China at South Korea  nuong nakaraang tag-sibol.

Tumaas rin ang bilang ng mga dayuhang bisita mula sa Taiwan ng 9.2%, samantalang nadagdagan rin ng mahigit 41.8% ang mga dayuhang bisita mula sa bansang Russia nuong niluwagan ng Japan ang mga requirements para sa Visa ng mga Russian National  nuong Enero.

Source: Jiji
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund