Ayon sa Nagoya University Hospital noong Miyerkules na isa sa mga surgical teams ang nakaiwan ng gauze o telang bandage sa loob ng katawan ng babae noong inoperahan ito 44 taon nang nakalilipas.
Ang pasyente, nakatira sa Aichi Prefecture na kasalukuyang nasa kanyang 80s ay nagrereklamo ng maraming taon na masakit ang kanyang tiyan.
Ang manipis na tela ay natagpuan noong 2014 nang magsagawa ang hospital ng operason upang matanggal ang tumor sa butas ng pwet ng babae. Noong taon na iyon ay na diagnosed sa hospital na may tumor sa pwet ang babae.
Pagkatapos hiwain ng doctor ang parte ng pwet tuwing surgery, isang parang tela ang nakita na kadikit ng tumor, ayon sa hospital.
Inamin ng hospital ang posibilidad na ang pananakit ng tiyan o tumor ay ng dahil sa gauze.
Ang babae ay inoperahan noong 1970 para magamot ang kanyang infertility. Dahil simula noon ay hindi na siya ulit na-surgery, napagpasyahan ng hospital na may malaking posibilidad na nakalimutan ng doctor noon na tanggalin ang gauze.
Humingi ng paumanhin ang hospital sa babae at nakumpleto na ang papeles upang ma-compensate o mabayaran siya sa natamong pinsala.
Source: Kyodo
Image: TBS News
Join the Conversation