Ministeryo ng transportasyon, pinag-aaralan kung paano magagamit ang self-navigating ships

Self-navigating ships, pinag aaralan upang magamit na!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ngayong buwang ito,  ang  ministeryo ng transportasyon sa Japan  ay mag sasagawa ng isang lupon/grupo  kung paano magagamit ng praktikal ang mga self-navigating ship.

Ayon sa ministro nuong nakalipas na 5 taon,  halos 8,300 na aksidente sa karagatan ng Japan ay naganap dahil sa kamalian ng tao. Ito ay 77 porsyento sa kabuoan.

Ang mga self-piloting vessel ay napag-aalamang mas ligtas dahil mas natututukan ng mabuti ng mga trabahador ang kanilang paligid. mas mareresolbahan ang kakulangan sa mang-gawa sa pag-gamit nito.

Ang ministro ay mag-sasagawa ng komite ng mga eksperto at mga kompanya ng mang-daragat sa ika-22 ng Disyembre. Pag-aaralan ng nasabing komite kung papaano maiiwsan ang banggaan sa karagatan gamit ang Image Recognition Technology at Infrared Camera.

Sa darating na buwan ng Mayo, ang nasabing lupon ay tatalakayin ang mga patakaran para sa Self-navigation at mag sasagawa ng report ukol dito.

“Maraming pang teknikal na usapin ukol dito ngunit pag-iigihin ng ministro na maisagawa at magamit ang self-navigating ships.” ayon sa mga opisyal.

 

Source and image: NHK
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund