Para sa mga kumpanya na naghahanap ng paraan upang mabawasan ang dami ng overtime na ginagawa sa kanilang mga tanggapan, ang giant telecommunication company na NTT ay nakatulong upang lumikha ng isang bagong serbisyo kung saan ang mga kumpanya ay maaaring magkaroon ng lumilipad na drone patrol sa kanilang mga tanggapan at makita kung sino ang mga nagtatrabaho pa din kahit tapos na ang oras ng trabaho.
Ang T-Frend system ay binuo sa pakikipagtulungan ng Tokyo-based na drone manufacturer Blue Innovation at Taisei, isang building management provider na nagtatag ng headquarter sa Nagoya. Ang mga users ng drone ay maaaring pumili ng flight course at oras na kung saan ito ay fully automated na hindi na kinakailangan ng mag-ooperate o ng GPS data, habang nag-navigate ang drone na gamit ang built-in camera. Habang ginagawa ng mga drone ang kanilang pagro-ronda, itinatala nila ang kanilang nakikita at ina-upload ito sa cloud ng user na gamit ang technical know-how ng NTT.
Ang T-Frend ay nakatakdang simulan ang testing sa Spring at opisyal na ilulunsad sa susunod na Oktubre. Ito ay itinuturing na bilang isang paraan upang mabawasan ang overtime at mapahigpit ang security sa impormasyon sa pamamagitan ng pag-konti ng tao sa office na naiiwan sa gabi.
Sa pahayag na ito, sinabi ng NTT na ang serbisyo ay nilikha bilang isang sagot sa isang problema na kung saan nais ng mga kumpanya na ang kanilang mga empleyado ay magbawas ng overtime upang maiwasan ang overwork, ngunit ang pagmo-monitor ng mga empleyado upang maipatupad ang mga estratehiya sa pagbabawas ng overtime ay mas lalong hindi nakakabuti sa mga empleyadong responsable sa pagmo-monitor.
Gayunpaman, hindi malinaw kung gaano ka epektibo ang resulta ng pagkakaroon ng drone bilang monitor upang maiwasan ang labis na overtime sa trabaho, maliban siguro sa pamamagitan ng pagbigay sa opisina ng isang dystopian man-versus-machine vibe na aayawan ng madaming tao kaya’t gugustuhin na lang na umuwi agad at hangga’t maaari ay makalabas agad ng opisina.
See the video:
Source: Sora News Video: Impress Watch
Join the Conversation