Ipinag-bigay alam ng gobyerno ng Japan na ipinatutupad ang planong koalisyon sa pag taas ng buwis ng sigarilyo, nuong lunes. Ang halagang itataas ay 3 yen kada isang sigarilyo.
Upang maiwasan ang biglaang pag-bagsak ng benta dahil sa potensyal na pagbaba sa konsumo ng nasabing produkto, ang plano ay ipatutupad sa pamamagitan ng pag- taas ng isang yen sa loob ng apat na taon na mag-sisimula sa taong 2018.
Kamakailan, marami-rami na rin ang gumagamit ng heat-not-burn na sigarilyo kung-kaya`t plano rin ng gobyerno at ng iba pang sangay ng pamahalaan na taasan ang buwis ng nasabing produkto..
Ang produktong nabanggit ay mag-kakaroon ng mas mababang buwis kaysa sa regular na sigarilyo. Ang mga detalye ukol rito ay tatalakayin sa ibang pagkakataon.
Ang pag-taas ng buwis ng sigarilyo ay makakasama sa reporma ng buwis para sa taong 2018, na inaasahang mangyari sa ika-14 ng Disyembre.
Huling tinaasan ang buwis ng sigarilyo nuong Oktubre taong 2010 ng 3.5 yen kada sigarilyo. At sa kasalukuyan, ang buwis kada isang sigarilyo ay pumapatak na nasa 12.2 yen.
Source: Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation