Isang railway company sa Japan ang humingi ng dispensa nang ang isang tren nila ay umalis ng 20 segundo na mas maaga mula sa itinakdang oras.
Taos pusong humihingi ng paumanhin ang Tsukuba Express Line na bumabyahe sa Tokyo at Tsukuba City dahil sa naidulot nitong abala sa mga pasahero.
Base sa pahayag, ang tren ay nakatakdang umalis sa istasyon ng 9:44:40 lokal na oras, ngunit ito ay umalis ng 9:44:20. Umani ng samot-saring reaksyon mula sa mga social media user ang ginawang paghingi ng paumanhin ng nasabing kompanya.
Ayon sa pahayag ng kompanya, “nagkaroon ng pagkaka-mali dahil sa hindi pag-check ng empleyado sa timetable”.
“Hindi na-check ng mabuti ng nasabing empleyado ang oras ng pag-alis ng tren kung kaya`t agad niyang pina-andar.” ayon sa pahayag.
Ayon sa kinauukulan, wala naman nag reklamong pasahero ukol sa nasabing pangyayari sa Minami Nagareyama Station, na matatagpuan sa hilagang Tokyo.
Ang Tsukuba Express Line ay bumabyahe mula Akihabara, eastern Tokyo hanggang Tsukuba sa loob lamang ng mahigit 45 minutos.
Ang mga tren sa Japan ay isa sa pinaka inaasahang uri ng transportasyon, kung-kaya`t napaka bihira na mag-karoon ng pagkakamali sa oras ng kanilang byahe. Ang Tokaido Line na bumabyahe mula Tokyo hanggang Kobe City ay isa sa pinaka-abalang tren sa buong mundo. Ito ay nakakapag byahe ng mahigit 150 million na pasahero kada taon.
Ang mga pasahero na malimit gumamit ng nasabing uri ng transportasyon ay namangha sa pangyayari; agad na ipinahayag at ipinamahagi sa Twitter ang kani-kanilang saloobin, umaasa na ang balitang ito ay makarating sa pamunuan ng kani-kanilang lokal na operator ng tren; lalo na sa Britanya na kung saan ang tren ay laging huli sa oras.
Source: BBC News Source: Bank Image
Join the Conversation