Isang lamat ang nakita sa Shinkansen Train

Ang Shinkansen Train na nakitaan ng lamat, muling ipa-iinspeksyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang lamat ang nakita ng isang opisyal mula sa Japanese train operator sa welded joint na isang pangunahing parte ng karwahe  at sa bandang ilalim na bahagi ng shinkansen bullet train.

Nuong lunes, ayon sa Central Japan nakitaan ng lamat at ebidensya ng sunog ang Shinkansen train na papuntang Tokyo nuong ito ay huminto sa Nagoya.

Ayon sa opisyal ng West Japan Railway Company o JR West, ang lamat ay nakita sa ilalim na bahagi kung saan naka-dugtong ang axis spring. Ang nasabing spring ay nag sisilbi shock absorber ng train.

Ayon sa nasabing kompanya, wala pa silang nakitang ni isang lamat sa ilalalim na bahagi ng  Shinkansen train sa haba ng kanilang pamamahala rito. Dagdag pa nila na walang nakitang mga abnormalities nuong ininspeksyon ang iba pang mga train at mga kaparehas na modelo nito.

Kapag nasiguro na maaaring mapa-andar ng ligtas ang tren, plano ng JR West na dalhin ito sa pinaka-malapit na pasilidad ng mga karwahe mula sa Nagoya Station upang ito ay mainspeksyon ng mabuti.

Itinaguring ng Pamahalaan ng Transport Safety Board na isa ito sa ” mabigat na insidente” na nag-uugnay sa isang Shinkansen Train, dahil ito ay maaaring mag-dulot ng pag-diskaril ng nasabing train.

Ayon sa opisyales ng Transport Ministry ang nasabing lamat ay may haba na 10 sentimetro.

Nuong buwan ng Mayo nuong nakaraang taon, isang train sa Japan ang na diskaril dahil sa lamat sa ilalim ng karwahe. Ang 10- car commuter train ay nadiskaril sa Itabashi, Tokyo Ward. Walang sinu man ang napinsala ngunit mahigit 180,000 na pasahero ang na-apektohan dahil sa insidente.

Source and image: NHK
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund