Ayon sa nakalap na impormasyon nuong Lunes, ang Liberal Democratic Party at ang kasanib nitong Komeito Party ay nag sagawa ng plano na mag-lagay ng departure tax simula sa ika-7 ng Enero taong 2019 bago pa mag-simula ang 2020 na Tokyo Olympics at Paralympics.
Planong patawan ng 1,000 yen ang bawat taong aalis ng bansang Japan, ito ay parte ng reporma sa buwis ngayong taong 2018 na inaprubahan ng mas nakakataas na miyembro ng nasabing organisasyon nuong araw din yun.
Ang pinabagong plano ay opisyal na maaprubahan sa darating na Huwebes.
Ang kikitain sa nasabing buwis ay gagamitin upang mapag-igihan ang seguridad, mapabilis ang daloy sa immgration at custom at pang-bayad sa pag-dagdag ng mga iba`t-ibang lenguaheng karatula.
Layunin ng pamahalaan na umakit ng 40 milyong bisita galing sa ibang bansa taon-taon hanggang sumapit ang taong 2020 at 60 milyon naman sa taong 2030. Ang nasabing kikitaing buwis ay ilalaan para madag-dagan ang numero ng mga bibisita sa bansa.
Ayon sa datos na inilabas ng pamahalaan, tumatalang 24.04 milyon ang bilang ng dayuhang bumisita sa bansa sa taong 2016.
Ang nasabing halaga ay napag-desisyonan at ibi-nase sa mga kalapit bansa tulad ng South Korea. Ang nasabing buwis ay kokolektahin mula sa karagdagang bayad sa ticket.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation