Hippo Bus sa Odaiba, Tokyo nag-aalok ng isang wet and wild na byahe

Isang wet and wild na byahe, inihahandog ng Tokyo Hippo Bus

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Tokyo no Kaba (Hippopotamus sa Tokyo) ay isang pang-lupa at tubig na bus na nag-bibigay ng magagandang tanawin para sa mga turista sa gitna ng dagat sa distrito ng Odaiba.

Ang distrito ng Odaiba Waterfront ay gagamitin para sa triathlon at open water swimming events sa darating na 2020 Tokyo Olympics at Paralympics.

Ang nasabing bus ay maihahalintulad sa mga triathletes na tumatakbo sa lupa at “lumalangoy” sa tubig.

Makikita ng mga turistang pasahero ang mga commercial facilities habang ang bus ay umaandar sa lupa. Kapag ang nasabing bus ay pumasok o lumusung na sa Tokyo Bay, makikita ng mga nakasakay na pasahero ang Rainbow Bridge at iba pang mga tanawin mula sa bintana ng kanilang sinasakyan.

Sinimulan na ng Fuji Kyuko Co. ang sebisyo nuong ika-27 ng Nobyembre.

Ayon sa opisyales ng Fuji Kyuko, ang Tokyo no Kaba ay i-dinesenyo ng isang industrial designer na si G. Eiji Mitooka, ito ay hinango mula sa imahe ng isang hippopotamus dahil ang nasabing hayop ay kayang manirahan sa tubig at lupa.

Mayroon din na ibang kumpanya na nag-bibigay serbisyo na maaaring umandar sa tubig at lupa sa lungsod ng Odaiba.

Bumabyahe ng 7 beses ang Tokyo no Kaba na nag-sisimula sa lugar ng bus stop sa Aqua City Odaiba araw-araw. Ngunit ito ay hindi bumabyahe tuwing Miyerkules.

Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang official website ng Tokyo no Kaba sa http://www.kaba-bus.com/tokyo

Panuorin ang video:

Source: Asahi
Image: YouTube / Tokyo MX
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund