Sa Osaka, ipinasa ng mga pulis sa prosekyutor ang mga dokumento ng isang 38 anyos na lalaki dahil sa pag-labag sa Batas para sa Proteksyon sa mga hayop, matapos niyang barilin ang isang pusa gamit ang isang air gun.
Base sa pulisya, ang insidente ay naganap ng bandang ala-1 y media ng gabi nuong ika-24 ng Nobyembre sa isang parking lot sa Suminoe Ward, ulat mula sa Fuji TV.
Mula sa kuha ng mga surveillance camera nakita na nag-mamaneho ng isang itim na kotse ang suspek at nag-tapon ng mga tira-tirang pagkain sa bintana, umalis at bumalik ng 2 beses hanggang sa may lumabas na pusa.
Ang lalaki ay tumingin sa bintana at binaril gamit ang air gun ang pusa na may 2 metro ang layo. Nakatakas ang pusa na tila namang hindi napinsala.
Nabanggit ng mga police na nahilig din ang lalaki sa pusa, ngunit dahil sa isang insidente na siya ay nakalmot nito sinabi ng lalaki na “dapat niyang magantihan ang mga ito.” Sinabi ng lalaki na nagamit na niya ng mahigit 10 beses sa pag-baril ng pusa ang nasabing baril simula pa nuong buwan ng Agosto.
Source Japan Today Image: YouTube
Join the Conversation